Sabado, Mayo 6, 2017

Secretshop




Good day guys kamusta na ? alam ko namiss ninyo magbasa nang blog ko napatengga rin kasi nang ilang buwan at nagfocus ako sa aking pagaayos nang munting shop. Ngayon im trying to look forward na maituloy itong hobby nang pagsusulat, kasi nakikita ko ang benepisyo nito para sa akin at para sa inyo. Nakakataba kasi nang puso na may ilan mga costumer na nagbabasa talaga o follower ko dito sa blog ko. Minsan naalala ko pa yung banggit nya sa akin"Sir nabasa ko yung blog mo salamat at dami ko natutunan" ang naisagot ko nalang salamat at pasensya na hindi ko na naituloy ang pagsusulat at nabanggit ko na hindi kasi nagclick si google sakin kaya nag stop ako. But now i realize, its not about paying my knowledge. Ito pala yung sharing about ideas without getting any money or in return, for short nagmukha ako pera sa ginagawa ko, at suntok sakin na mali pala ginawa ko. Kaya ngayon I will make a short time to do a blog daily regarding on what happen on our little secretshop. Kaya sana ay mabigyan ninyo ako nang idea pa para makapagsulat nang kung anu-anu tulad nang items, accessories,led lights,hid etc. Kaya rin nag buo ako nang bago na title which is secretshop, ikukuwento ko sa inyo kung anu ang  nangyayare sa amin munting shop kung paano namin imomodified ang isang motorsiklo from stock into poging poging motor sa kalsada. Madalas costumer namin dito mio,raider bihira yung iibang unit pero im looking forward na mapagaralan pa sila. Kasi mas maganda mas maraming alam kaysa nakafocus lang sa iisa diba? Kaya sa mga underbone or ibang motorsiklo jan invited po kayo, kung kaya sa mio kaya rin sa iba kasi parepareho lang naman lahat yan nagkaiba lang sa maker pero in all in same n same talaga,
ooppss mabalik tayo sa blog ko.

SECRETSHOP start sya noong 2014 nung ako ay nawalan nang trabaho yes ive been kicked out on my work, yes thats true inakusahan nila akong nagphone while on duty, pero kaya ko dipensahan ang akusasyon nila noon dahil pasok sa breaktime hours ko. Pero tinanggal nila ako, kaya nagfile ako sa labor  pasa ako requirements tumagal nang months umabot sa ncr but i stop. Siguro dahil na rin sa abogado na ibibigay sakin. naramdaman ko kasi yung wala kang kwenta pag wala kang pera, yung sinigawan ka lang hahaha kaya paglabas ko i think twice. " Ilalaban ko pa ba? yung makukuha kong pera anu gagawin ko?" then one idea comes on my mind." hndi ko kailangan ang pera nang kumpanya para magkanegosyo ako". Then i run out with my motorcycle and go back home and tell my wife." I win the battle. For standing on my own, kaya after nun sa mga nakakakilala sa akin nagumpisa po ako sa pag titint nang headlight nang motorsiklo, kotse yung tinatawag na home service .Alam nyo ba na Cavite,Laguna at Valenzuela napuntahan ko at naikot ko. Partida yung iba dyan commute kasi nagtitipid ako at yung time na yun dahil paso ang motor ko at magaantay pa ako nang 5months para magrenew. Kaya sacrifice talaga nag run nang almost a year ang home service ko. Then sa pagtitint ko dko akalain na mapagaaralan ko ang pag wirings nagstart ako sa pag iinstall nang alarm home service bihira pa walk in nun and then may isang costumer na nagpatint na naghahanap nang magkakabit nang led projector kaya i raised my hands and say "Sir baka gusto mo ako gumawa pag nasira bayaran ko" yes sumugal ako, after nun isang araw na yun nagawa ko dun , nagtuloy tuloy yung gawa ko may  iilan nagtiwala may iilan na nagalit pero ayos lang part of the bussiness panget naman pakinggan na perfect ka diba?  And then umabot na sa time na nagflooded costumer na ako nangailangan ako nang buddy kaya kinuha ko kumpare ko to be a assistance first. I gave him a salary but eventualy nauwe nalang sa taga baklas ang trabaho taga luto ayaw mag wirings kaya i gave him a salary para sa taga baklas, my point there is everyone can do what you do but not everyone can do what i can do. Ang punto dito wag kang basta magpunas lang nang salamin bagkus magaral ka at matuto ka para kumita ka! kung babayaran kita nang 300 a day para lang sa pagpupunas mo makukuntento ka sa ginagawa mo, dahil malaki sahod mo!tama ba? In the end we broke a part by cheating me on my supplier he said to me " gusto ko lang kumita pare bakit ako na naman pinagiinitan mo".  For me its not about  money ,its about trust bakit sa pera kasi kaya kita pahiramin pero  wag mo lang ako i by pass napakaliit nang tubo sa items inagawan kappa. Kaya ayon nagsolo na naman ako as my mentor said to me " trust no one" for that case he is right may mga tao kasi na kokopyahin kalang pero sya rin nagsabi na "HAYAAN MO LANG SILA GAWIN MO LANG ANG GUSTO MO,DAHIL KUNG MAKIKIPAGKUMPITENSYA KA IKAW RIN ANG BABAGSAK BAKIT? MAPAPABAYAAN MO ANG GINGAWA MO DAHIL SIYA ANG NASAISIP MO" Then I realized he is right imagine kasi nagsabay sabay lahat away kumpare, away kapwa installer, away kapitbahay na siga totally down talaga ako. After ko marealize na mali pala yun ito na ako ngayon standing on my on with the help of my wife,mentor,friends at tropa sila kasi yung nagbibigay nang  lakas at idea na gawin ko, ang gusto ko para sa kanila kailangan nila ako at kailangan  ko sila,kaya siguro biglang boom din ang negosyo ko dahil sa turo nang mentor ko "comfort your costumers, love your costumer, treat them as your brother'" yung line na yun ang naging susi ko kaya siguro marami nang nagtitiwala. Aaminin ko marami rin akong bulilyaso pero marunong lang ako makiusap nang aayusin nalang at kaya siguro may tiwala parin yet may iilan na bumitaw pero ok lang diba? Ngayon kagandahan pala sa shop namin may group na ako kung tawagin ay TEAM SECRETSHOP may kapwa installer na ako na nagawa dito, may deliveryman may secretary, syempre may bayad sila kahit papano at sideline lang sa kanila at pahabol may resseller  din ang secretshop nakakatuwa na may mga gusto talaga tumulong sa amin.Kaya as 2017 start a new beggining paghuhusayan pa natin ang ating serbisyo at pakikisama sa lahat nang motorista.kaya welcome po kayong lahat sa aming shop hoping to meet you soon guys.



Hoping you will follow our daily blog,Thank you and Godbless All!